Thursday, June 25, 2009

Bruno: Ano ‘yang nasa papel na ‘yan?

Pedro: Listahan ng mga takot sa akin.

Bruno: Patingin nga! Teka… bakit andito ang pangalan ko?

Pedro: Bakit, lalaban ka ba sa akin?

Bruno: Oo!

Pedro: Kung ganu’n… tanggalin! Problema ba ‘yun?
isang araw, may tinanong ang bata sa kanyang ama...

BATA: itay, pa'no ninyo ba ako ginawa ni inay?


AMA: madali lang anak...kumuha kami ng inay mo ng banig...nilukot namin at tinabi sa sulok... ng tingnan namin kinabukasan, nando'n ka na..

BATA: ganon lang?
(at bumubulong bulong na pumunta sa silid nya, kumuha ng banig..nilukot at itinabi sa sulok)

kinabukasan, nang tingnan nya ang banig ay may lumabas na IPIS.

BATA: (sa ipis) pasalamat ka at naging anak kita kundi ay baka hinambalos na kita dyan!
Sa mall…

Mommy: Anak, huwag kang bibitaw sa palda ko para hindi ka mawala!

Anak: Opo!

Pagkalipas ng dalawang oras…

Mommy: Mamang sikyo, may nakita ba kayong bata na may dalang palda?
Mare 1: Naku Mare, ang gaganda ng mga anak mo!
Mare 2: Talaga Mare! Hay, kung asawa ko lang ang aasahan ko, hindi mangyayari 'yan!
misis1:lolokohin ko ang mister ko kunwari isa akong call girl
misis2:o sige game ako jan!
nakita ni misis1 c mister
misis1:helllo boy pwede ka ba ngaun?
mister:ayoko nga sayo kamukha mo miss ko!